SANTIAGO CITY — Upang mapaigting ang diwa ng bolunterismo noong kapaskuhan, nagbigay ng libreng serbisyo at iba pang mga aktibidad ng Alay sa Belen ang Unibersidad ng La Salette sa mga residente ng Nabbuan noong Disyembre 22.
Ang taunang Alay sa Belen ay isang inisyatibo ng ULS na naglalayong matugunan ang pangangailangan ng mga residente ng napiling barangay sa pamamagitan ng mga libreng programa bilang bahagi ng paglaganap sa misyon ng institusyon na makapaglingkod sa kapwa.
Pinangunahan ito ng Community Extension Office – La Salette Pananagutan Center, katuwang ang Philippine Academy of Family Physicians, Inc. – Isabela Chapter, Santiago City Legal Aid Office, Christian Formation Office, Student Executive Council, ULS alumni, volunteers, at lahat ng departamento ng unibersidad.
Nagsagawa ng libreng medikal na serbisyo ang ULS Health Services Clinic, sa pamumuno ni Dr. Wilfrido Simbul, mga Medical Doctors alumni ng College of Medicine and Allied Medical Programs, mag-aaral at tauhan ng College of Nursing, Public Health, and Midwifery at CMAMP, at mga doktor mula sa Philippine Academy of Family of Physicians (PAFP), Inc. – Isabela Chapter.
Nagbigay din ng legal na konsultasyon ang College of Law, level 1 at 2 student lawyers, sa pamumuno ng kanilang dean na si Jose Romeo Dela Cruz, mga tagapagturo ng COL, kasama ang koordinasyon ng City Legal Aid Office, face painting sa College of Engineering and Architecture, palaro sa College of Business Education, pakain sa SEC, at pagbibigay ng Alay sa Belen packs mula sa iba pang departamento.
Humigit kumulang 500 packs ang naipamahagi sa mga benepisyaryo, 256 pasyente ang nakatanggap ng serbisyong panglaboratoryo, at 30 ang natulungan ng legal na konsultasyon at panotaryo sa nasabing barangay.
Sa panayam ng The Salettinian, nagsimulang maghanda at mangalap ng mga donasyon ang komunidad ng La Salette noong Nobyembre. Nagsagawa rin ang extension coordinators kasama ang ibang mga estudyante ng sarbey sa Nabbuan, upang matukoy ang mga pamilyang makatatanggap ng tulong.
Samantala, binisita rin ng ULS ang komunidad ng Persons Deprived of Liberty bilang bahagi ng aktibidad na “Adopt a PDL” ng College of Criminal Justice Education noong Disyembre 23.
Ayon sa LSPC, isa lamang ang Alay sa Belen sa mga aktibidad ng institusyon upang maiabot ang diwa ng pagkakaisa sa mga komunidad.
Inaasahang masusundan pa ito ng ibang mga programa sa pangunguna ng mga organisasyon ng unibersidad, sa tulong ng opisina ng LSPC sa susunod na semestre.
#SD1NoPoverty
#SDG2ZeroHunger
#SDG3GoodHealthandWellBeing
#SDG10ReducedInequalities
#SDG16PeaceJusticeandStrongInstitutions
#SDG17PartnershipfortheGoals
More photos:
https://www.facebook.com/photo?fbid=1005912748222260&set=pcb.1005913998222135
https://www.facebook.com/photo?fbid=1005912124888989&set=pcb.1005913994888802
https://www.facebook.com/photo?fbid=1005911798222355&set=pcb.1005913961555472