Opisyal na sinalubong ng mga Saletino ang diwa ng pasko sa pamamagitan ng matagumpay na pagsasagawa ng Zumba for a Cause na ginanap sa Gymnasium ng Unibersidad ng La Salette ngayong hapon, Disyempre 4.




Pinangunahan ng mga miyembro mula sa Young Physical Educator’s Club ang nasabing kaganapan na kalaunan ay sinabayan din ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang departamento kabilang ang mga opisyal ng Student Executive Council.
Sa pamamagitan ng nasabing programa, hindi lamang aktibong nakiisa ang mga Saletino sa pagbubukas ng paskuhan sa loob ng paaralan, sa makatuwid, naging isang daan din ito upang makalikom ng halagang ihahandog naman sa mga mamayan sa barangay ng Nabbuan para sa programang Alay sa Belen.
Isa lamang sa mga pangunahing aktibidad ang Zumba for a Cause sa pagbubukas ng paskuhan sa unibersidad, sinundan pa ito ng awitin mula sa Cantus Reconciliato at nakakawiling presentasyon mila sa Salettinian Dance Troupe na siyang mas nagbigay ng buhay sa nasabing pagdiriwang.




#SDG3GoodHealthandWellBeing #SDG10ReducedInequalities #SDG17PartnershipsForTheGoals
✍: Rose Lyn M. Esteban
📷: Jabez G. Verano, Ryan P. Marquez, Karen Claire D. Gumaru





