
DUBINAN EAST, SANTIAGO CITY – Muling ipinamalas ng University of La Salette, Inc. (ULS) ang diwa ng pagkakaisa at malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng matagumpay na pagsasagawa ng ika-26 na Dugong Saletino Mobile Blood Donation Drive noong Pebrero 14, sa Hospital Building (HC 300 at HC 301).
Pinangunahan ng College of Medicine and Allied Medical Programs (CMAMP) Student Volunteers Association at CMAMP Executive Government ang nasabing kaganapan na may temang “Dugo Mo’y Kailangan: Dugong dumadaloy sa iyong bisig ang siyang magiging tulay upang magsalba ng buhay ” layunin ng programang ito na hikayatin ang mga estudyante, guro, at miyembro ng komunidad na magbahagi ng dugo upang makatulong sa mga nangangailangan.
Binigyang-diin ng aktibidad ang kahalagahan ng dugo sa pagsagip ng buhay, lalo na sa mga pasyenteng may malubhang karamdaman.



Sa pakikipagtulungan ng Southern Isabela Medical Center (SIMC) Blood Bank Department, College of Medicine and Allied Medical Programs, at Medical Laboratory Science Department, matagumpay na nakalikom ng 208 na karagdagang blood bags na makatutulong sa mga pasyenteng lubos na nangangailangan.
Taos-pusong pinasalamatan ng mga tagapamahala ng programa ang lahat ng nakiisa at naghandog ng kanilang dugo.
Pinaalalahanan din nila ang bawat isa na ang simpleng donasyon ay maaaring maging daan upang mailigtas ang buhay ng iba.
Sa patuloy na suporta at dedikasyon ng mga mag-aaral at kawani ng Unibersidad, inaasahang magpapatuloy ang Dugong Saletino sa mga susunod na taon, dala ang adhikaing paglilingkod at pagmamalasakit.
#SDG3GoodHealthandWellBeing
#SDG17PartnershipfortheGoals
Photos accessible at: https://drive.google.com/drive/folders/1PANvWegSr3c-Vu3jgOccvqDiGw9hsaTD?usp=drive_link