SANTIAGO CITY – Muling ipinagdiwang ng University of La Salette, Inc. ang taunang Paskuhan na may temang ‘A Salettinian Pilgrims Heart: Serving, Healing, and Cultivating Hope’ sa ULS New Gymnasium, Disyembre 5.




Layunin ng selebrasyong ito na ipadama sa mga Saletino ang mainit diwa ng kapaskuhan sa unibersidad at mapaigting ang samahan ng bawat isa.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang taimtim na misa sa pangunguna ni Fr. Joseph Christian Pilotin, Chaplain ng unibersidad, kung saan ipinaalala sa mga dumalo ang tunay na halaga at diwa ng pasko.
Matapos nito, binuksan din ang Kalyelympics na tampok ang mga larong kinagisnan ng bawat batang Pilipino, sinundan ito ng Watwatan, isang salu-salo ng bawat departamento, sa hapon naman pinasaya ang mga Saletino ng mga kalahok sa ‘Your face sounds familiar’ at pinakilig ng mga awitin sa Musikasiyahan.
Pagsapit ng gabi, masisilayan ng mga Saletino ang makulay na fireworks display na gaganapin sa field ng unibersidad, kasabay nito ang pagpapailaw ng Christmas tree sa rotonda.






Isinulat ni Frederick G. Martin
Kuha nina Ryan P. Marquez, Karen Claire D. Gumaru, Vinz Christian L. Tagao, K.B., Jabez G. Verano
#SDG2ZeroHunger #SDG12ResponsibleConsumptionandProduction #SDG16PeaceJusticeandStrongInstitutions





