SANTIAGO CITY – Opisyal ng binuksan ang PAMANA Art Exhibit na handog ng ULS Culture and Arts para sa mga Saletino sa ikalawang palapag ng Hospital Building A, ngayong hapon, Oktubre 21.




Layunin ng programang ito na ipakita at ipagdiwang ang malikhaing talento ng mga Saletinong guro at mag-aaral sa larangan ng sining, gayundin sa pagbabahagi ng kanilang mga karanasan at kultura sa pamamagitan ng kanilang obra maestra.
Bukod rito, ang nasabing exhibit ay inaasahang makakapagbigay-inspirasyon sa mga Saletino na pahalagahan ang sining bilang isang pamana para sa susunod na henerasyon.
Inaanyayahan ang lahat ng mga mag-aaral at guro na bumisita sa art exhibit upang masilayan ang makukulay na likha na nagmumungkahi ng malalim na kahulugan.
#SDG4QualityEducation
#SDG11SustainableCitiesAndCommunities
#SDG17PartnershipsForTheGoals
(Article by Frederick G. Martin | Photos by Vinz Christian Tagao)






