ULS, Namahagi ng School Supplies sa Nabbuan Integrated School

Naghatid ng ngiti at pag-asa ang University of La Salette (ULS) sa pamamagitan ng Student Executive Council (SEC), matapos mamahagi ng mga gamit sa paaralan at gamit pang-opisina sa Nabbuan Integrated School noong Setyembre 19.

Katuwang sa aktibidad ang mga mag-aaral at department coordinators ng National Service Training Program (NSTP) sa pangunguna ng kanilang coordinator na si Jose S. Sabaulan, MBM, MSIT, AFBE. 

Pinangunahan naman ng La Salette Pananagutan Center (LSPC) ang kabuuang koordinasyon ng programa sa pangunguna ni Bernard Joseph L. Ariola, LPT, CHRA.

Taos-pusong pasasalamat ang ipinahayag ng mga guro at estudyante na bihira lamang makatanggap ng ganitong tulong dahil sa layo ng kanilang lugar. Ang programang ito ay patunay ng pagkakaisa ng iba’t ibang departamento ng unibersidad upang magbigay ng sapat na suporta sa mga kabataan at guro sa nasabing paaralan.

#SDG4QualityEducation #SDG10ReducedInequalities #SDG17PartnershipsForTheGoal

Share this post
Facebook
Twitter
LinkedIn
WhatsApp