SANTIAGO CITY – Bumandera ang dalawang mag-aaral ng Nursing sa University of La Salette, Inc. sa ginanap na Singkaban Festival Bulacan Open DanceSport Championship Competition 2025 sa Bulacan Capitol Gymnasium, Malolos, Bulacan, Setyembre 14.

Matagumpay na nakapag-uwi ng karangalan sina Sofia Julien Almazan at Andre John Avecilla katuwang ang kanilang coach na si Juli Marie Galicia, tagapamahala ng Opisina ng Kultura at Sining sa ULS, kung saan nakakuha sila ng isang tanso, apat na pilak, at tatlong ginto sa iba’t ibang DanceSport Standards.
Nasungkit ng dalawang mananayaw ang tanso sa Under 21 (All), pilak sa Tertiary Open C at A (All), at Tertiary Quickstep, samantalang ginto naman sila sa Tertiary Tango, Viennese Waltz, at Slow Foxtrot.
#SDG3 Good Health and Well-Being
#SDG4 Quality Education
#SDG11 Sustainable Cities and Communities