National Indigenous Peoples Month, ipinagdiriwang sa ULS

Sama-samang ipinagdiwang ng Unibersidad ng La Salette, Inc. ang National Indigenous People’s Month Celebration na may temang “Pamana: Upholding Indigenous Heritage” ngayong araw, Oktubre 24, sa ULS Gymnasium. 

Binigyang-diin ni Juli Marie B. Galicia, LPT, Coordinator ng ULS Culture and Arts, ang pagpapahalaga sa kultura at sining ng mga katutubong Pilipino sa kanyang naging pambungad na mensahe.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, ipinamalas ng mga mananayaw mula sa Salettinian Dance Troupe ang makukulay na sayawing bayan mula sa iba’t ibang pulo ng bansang Pilipinas, samantalang mga katutubong awitin naman ang binigyang himig ng ULS Cantus Reconciliato bilang parte ng Cultural Show.  

Naging parte rin sa makulay na pagtatanghal ang mga Saletinong mag-aaral na kinabibilangan nina Prince Juan at Karylle Myne Dagdag na siyang nagpamalas ng talento sa larangan ng Arnis.

Itinampok din ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang seksyon at departamento ang mga katutubong sayaw bilang bahagi ng kanilang performing arts.

#SDG4QualityEducation

Share this post
Facebook
Twitter
LinkedIn
WhatsApp