Matagumpay na naisagawa ng University of La Salette ang ika-24 na Dugong Saletino Mobile Blood Donation Drive sa Hospital Building C ng unibersidad, kung saan sila ay nakapagtala ng 103 na mga donors, Setyembre 21.
Inorganisa ang nasabing programa kasama ang Drugstore Association of the Philippines Inc., Southern Isabela Medical Center (SIMC), Inner Wheel Club of Santiago, La Salette Pananagutan Center, at ULS Medical Laboratory Science Department. Layunin nito na itaas ang kamalayan ng mga tao sa kahalagahan blood donation habang pinapaunlad ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng komunidad.
Hindi lamang binibigyan ng oportunidad ng MBD ang mga donors na makatulong sa pagresolba sa kakulangan sa suplay ng dugo sa komunidad, bagkus ito rin ay magiging daan upang linawin ang mga maling pananaw tungkol sa bloodletting.
Ang mga nalikom na bag ng dugo sa programa ay ipapadala sa SIMC upang tulungan ang mga taong nangangailangan nito.
Sinuportahan ng mga organisasyon ng mag-aaral kabilang ang gobernador ng College of Medicine and Allied Medical Programs (CMAMP) na si Justin Andrei Domingo, Philippine Society of Medical Technology Students, at Junior Philippine Pharmacists Association – ULS Chapter ang naganap na MBD.
Ipinamalas ng MBD ang pagtutulungan at ang dedikasyon ng mga mag-aaral ng ULS sa pagligtas sa buhay ng mga tao sa kanilang komunidad.
Nagpapasalamat ang mga organizers ng programa sa suporta ng mga volunteers at mga nakilahok, partikular ang mga mag-aaral, at umaasa sa patuloy na suporta sa mga susunod na MBD sa darating na akademiko.
#SDG3GoodHealthandWell-Being